Magbabalik sa sinaunang panahon ang tema ng Kapuso upcoming series na "Maria Clara at Ibarra," na pagbibidahan nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, at Dennis Trillo.

Sa GMA Online Exclusive, nagtagisan sina Barbie at Julie Anne sa pagbibigay ng kahulugan sa ingles ng mga malalalim na salitang Filipino. Katulad ng naniningalang pugad, kalimbahin, at tipanan, na napagkamalang baliktad ng panty.

Ang magkakamali ng sagot, titikim ng maasim na kalamansi. Panoorin ang nakakaaliw na video. --FRJ, GMA News