Nagsimula nang mapanood nitong Sabado ang segment na "Bolahan" sa "Game On!," ang sports and  entertainment shows sa pagitan ng NCAA games.

Sa panayam ng Regional TV News nitong Lunes, ikinuwento ng isa sa mga host ng "Bolahan" na si Andre Paras, na ang kaniyang ama at co-host na si Benjie, ang nakaisip ng naturang segment.

Sa "Bolahan," nagpupunta sina Benjie at Andre sa mga NCAA school para makilala ang mga student athlete, habang wala sa games.

"It is his concept," sabi ni Andre tungkol sa kaniyang amang si Benjie. "Beacuse you know dad how much he loves basketball."

Naisip daw ng kaniyang ama na gumawa ng segment na mas makikilala pa ang mga estudyanteng manlalaro off the court.

At gaya ng mga manonood at netizens na sumusubaybay sa NCAA, labis din na natutuwa si Andre sa segment na mapapanood sa pagitan ng NCAA games.

"Ginagawa namin yung treatment very light, making sure makikilala po natin ang mga iniidolong player sa iba't ibang schools. Mas makikilala pa ang mga idol sa court," ayon kay Andre,  na nagsabing dapat abangan ang susunod pa nilang pupuntahan. --FRJ, GMA News