Bagong taon, bagong simula para kina Daesung ng Big Bang at ng grupong iKON na inanunsyong aalis na sila sa kanilang agency na YG Entertainment.

Sa ulat ng "Saksi" nitong Biyernes, sinabing umalis sa YG si Daesung matapos ang 16 taon, pero mananatili pa rin siya sa kaniyang grupo.

ADVERTISEMENT

Naging maugong din ang balita ng pag-alis ng six-member boy group na iKON sa sikat na agency.

Patuloy pa ring masusubaybayan ng iKONICS ang kanilang mga idolo dahil ipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang activities bilang grupo.

Wala pang anunsyo kung saang music label lilipat ang iKON. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News