Magkakaroon na ng kanilang first baby sina Lovely Abella at Benj Manalo.

Sa Instagram, nag-post si Benj ng mga karawan ng pregnancy tests ni Lovely na positive resulta.

"Finally, after many years of trying, we are now having a baby. Just to give you a background, mababa po ang sperm count ko and that is one of the reasons kaya hirap kami ng asawa ko," saad ni Benj.

"This is the best wedding anniversary gift sa 'min ni Lord," patuloy niya. "2023, sabi nila swerte ako kasi year of the rabbit ako, pero mas kumapit ako sa promise ni Lord sa 'min."

Ayon pa kay Benj, patuloy ang dasal niya sa perfect timing ng Diyos.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Benj Manalo (@benj)

 


"This time, we will cherish every moment sa new chapter ng buhay namin. Ang anak namin, si Crisha and si Nathan, magkaka kapatid na after how many years and we're blessed to have God beside us," sabi ni Benj.

"If [you're losing] hope, this is your sign that anything can happen if you believe and trust in the Lord," payo niya.

Nag-post din si Lovely nang ipaalam niya kay Benj ang magandang balita. Aniya, tatlong taon na nilang sinusubukan na magkaroon ng kanilang anak.

Nagpakasal noong Enero 2021 ang dalawa. Mayroon isang anak si Lovely sa dating karelasyon, gayundin si Benj.—FRJ, GMA Integrated News