Isang babaeng malapit nang manganak ang pinagtulungang buhatin ng mga pulis at ilang residente para itawid ng ilog at madala sa ospital sa Antipolo, Rizal.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Miyerkules, sinabi ng pulisya na nagpasaklolo sa kanilang Special Action Force ang ina ng buntis para maisugod siya sa ospital noong Linggo.

Maliban sa ulan, malakas ang agos ng Kaysakat River kaya naging pahirapan sa pagtawid.

Kalaunan, ligtas na naitawid sa ilog ang babae, isinakay sa ambulansiya at dinala sa ospital.

Tumulong din ang pulisya na maitawid sa rumaragasang ilog ang mga stranded na opisyal ng Sangguniang Kabataan sa Nueva Era, Ilocos Norte.

Sinabi ng pulisya na namamasyal noon sa Barangay Barangobong ang SK Officials nang tumaas ang antas ng tubig sa ilog matapos ang pag-ulan.

Tumugon ang pulisya matapos matanggap ang ulat na may mga stranded doon.

Ligtas namang nakawi ang SK Officials. — VDV GMA News