Kinumpirma ni Gil Cuerva sa live TV na nobya na niya ang kapuwa  Kapuso na si Lexi Gonzales.

“Yes or no, girlfriend mo na ba si Lexi?” tapatang tanong ni Tito Boy sa pagsalang ni Gil sa Fast Talk segment ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

“Yes!” buong pagmamalaking sinabi ni Gil.

Para kay Gil, si Lexi rin ang “most beautiful Kapuso actress, at ang dalaga rin ang madalas niyang kausap at nagpapakilig sa kaniya ngayon.

ADVERTISEMENT

Si Lexi rin ang huling tao na sinabihan ni Gil ng “I love you.”

Tinanong si Gil tungkol sa tatlong bahay na nagustuhan niya kay Gil.

“She’s kind, she’s hardworking and she’s caring.”

Tila nagpahiwatig din si Gil na pipiliin niya ang isang babaeng petite kaysa matangkad, chinita kaysa mestiza, at mas bata sa kaniya.

Edad 27 na si Gil, samantalang 22 anyos pa lamang si Lexi.

Taong 2021 nang inamin ni Gil na nililigawan niya si Lexi.

Si Lexi naman, inihayag noon na masaya ang relasyon nila ng kapuwa Kapuso na si Gil pero hindi raw sila nagmamadali.

Inamin din ni Lexi na siya ang gumawa ng "first move" kay Gil.--FRJ, GMA Integrated News