Inilabas ang trailer sa inaabangang Hollywood movie na "The Flash!"

Sa trailer, kailangang bumalik ni Barry o Flash (Ezra Miller) sa nakaraang panahon para baguhin ang nagawa niyang pagkakamali.

ADVERTISEMENT

Pero sa proseso ng kaniyang ginawa, kakailangan niya ring sagipin ang kaniyang pamilya at sarili. Makakasagupa pa niya ang General Zod (Michael Shannon), kalaban ni Superman.

Ngunit ang magiging kakampi nila, si Super Girl (Sasha Calle). Kasama rin ang dalawang Batman na sina Ben Affleck at Michael Keaton.

Mapapanood ang "The Flash" sa mga sinehan June 16, 2023 sa USA. — FRJ, GMA Integrated News