May buwelta si Ashley Ortega tungkol sa mga pumupuna sa kaniyang katawan, lalo ang ilang nagsasabing hindi umano siya sexy dahil sa kaniyang pagiging “flat-chested.”

“Actually Tito Boy, I actually feel confident in my body pero lagi nilang sinasabi na flat-chested daw ako. I know binabase usually sa [physical] ‘yung word na ‘sexy,’” sabi ni Ashley sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

Ngunit para kay Ashley, hindi na dapat pinakikinggan pa ang mga opinyon ng mga tao, dahil nasa isang indibidwal ang pagiging sexy.

 

“You know… you feel sexy in your own way. Hindi na dapat natin pinapakinggan pa kung ano mang judgement ng ibang tao,” saad ng “Hearts on Ice” actress.

Hindi pahuhuli si Ashley pagdating sa paseksihan, sa pag-flex niya ng kaniyang beach body tuwing summer.

Bida ngayon si Ashley sa drama-sports-romance series na “Hearts on Ice,” kung saan leading man niya si Xian Lim.

Gumaganap siya bilang si Ponggay, na hinahangad na tuparin ang pangarap niyang maging isang figure skating champion, para mapalapit sa kaniyang ina. Gagawin niya ito sa kabila ng kaniyang kapansanan sa paglakad.

Ngunit makikilala niya si Enzo (Xian), na isa ring may kapansanan na skater na tutulungan siyang mailabas ang kaniyang buong potensyal. —LBG, GMA Integrated News