Masayang ipinagdiwang ng Hollywood actor na si Bruce Willis ang kaniyang 68th birthday, kasama ang pamilya, at ex-wife na si Demi Moore. Kamakailan lang, natuklasan na may dementia ang aktor na nakaapekto sa kaniyang pagsasalita at pag-uugali.

Sa social media, nag-post si Demi, nanatiling kaibigan ni Bruce, ng video habang inaawitan ng pamilya ng "Happy Birthday" ang aktor.

"So glad we could celebrate you today. Love you and love our family" saad ni Demi sa post.

"Thank you to everyone for the love and warm wishes — we all feel them," dagdag pa ng Hollywood actress.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Demi Moore (@demimoore)

 

ADVERTISEMENT

Nag-post din ng video ang anak nilang si Scout at sinabi niya na, "today has been profoundly joyful."

"HAPPY BW’S BIRTHDAY TO ALL WHO CELEBRATE !!!!," masaya nitong pagbati.

Sa hiwalay na Instagram post, inihayag ni Scout na, "Today is not necessarily an easy day, because it’s a day full of so deep love, and our grief really does show us the depth of our loving for someone. So I’m trying to be with both today."

"Grief is a price I’ll always pay to know what it is to feel such love," dagdag niya.

May hiwalay na post din ng pagbati sa kanilang ama sina Rumer at Tallulah.

Nagretiro na sa pag-arte si Bruce, kila sa kaniyang mga action films gaya ng "Armageddon" at "Die Hard" franchise, matapos na matuklasan na mayroon siyang aphasia, isang kondisyon sa utak na naapektuhan ang pananalita at pang-unawa.

READ: Bruce Willis diagnosed with dementia — family

Ayon sa NBC News, ang aphasia ni Bruce ay nauwi na sa frontotemporal dementia (FTD), na nakaapekto na rin sa kaniyang pag-uugali.

Kasama rin sa selebrasyon ng kaarawan ni Bruce, ang kaniyang kasalukuyang kabiyak na si Emma Heming Willis.

Sa kaniyang post sa Instagram Stories, sinabi ni Emma na sinimulan niya ang araw na umiiyak.

“I do have times of sadness every day, grief, every day, and I’m really feeling it today on his birthday,” saad niya. "But the silver lining or the flip side is that I’m so lucky to feel your warmth and love that is directed to my husband and our family."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Emma Heming Willis (@emmahemingwillis)

 

Sa isa pang video, tinawag ni Emma si Bruce na, "pure love."

Taong 2000 nang magdeborsiyo sina Bruce at Demi. Siyam na taon pagkalipas nito, pinakasalan ni Bruce si Emma, at nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Mabel at Evelyn. --FRJ, GMA Integrated News