Nakatakda na ang pagbabalik-teleserye nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sa Showbiz Saksi ni Aubrey Carampel sa “Saksi,” sinabing excited na ang Kapuso Primetime King sa pagganap niya sa upcoming mystery-murder drama na “Royal Blood.”

Makakasama ni Dingdong si Tirso Cruz III, Rhian Ramos at Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez.

Sinabi ni Dingdong na tila mini-reunion ito dahil marami sa cast ang kaniya nang nakatrabaho sa ibang projects.

“Halos lahat talagang reunion namin. Isang pagsasama ulit,” sabi ni Dingdong.

Samantala, nagbigay ng pa-spoiler si Marian sa kaniyang upcoming series.

“Sobrang ganda nu’ng story niya tapos very light lang at mapapanood ng mga anak ko. ‘Yun ang mahalaga sa akin,” saad ng Kapuso Primetime Queen. —LBG, GMA Integrated News