Gaya ng kanilang fur mom na si Heart Evangelista, ipinakita nina Panda at Shutiful na kayang kaya rin nilang mag-pose sa kanilang mini photoshoot.

Sa Instagram stories ni Heart, na mapapanood sa Unang Balita nitong Miyerkoles, makikita ang pagporma ng kaniyang fur pets sa harap ng camera.
 
Literal na naging stage fur mama si Heart, na binibigyan ng instruction ang kaniyang mga alaga habang kinukunan sila ng mga larawan.
 
Ayon kay Heart sa kaniyang IG story, manang-mana ang dogs sa kanilang mommy. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News

ADVERTISEMENT