Makikita ang pagiging sweet nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa mga photo na kanilang ipino-post sa social media. Tanong tuloy ng mga tao, sila na ba?

"Are you guys together? Are you officially boyfriend-girlfriend?" diretsahang tanong ni Tito Boy kina Elle at Derrick sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes.

"Honestly Tito Boy maraming nagtatanong sa amin niyan, from the press people and the people around us. And that doesn’t mean na magboyfriend-girlfriend kami. Pero ang masasabi ko lang Tito Boy, we are very committed to each other," sabi ni Elle.

"We have the same goals with our relationship, but we don’t want to put a label on it publicly, because we want to keep our relationship private, and it’s better," patuloy ng dalaga.

Ayon naman kay Derrick, ayaw niyang haluan ng trabaho ang anumang namamagitan sa kanila ni Elle.

"Iba kasi Tito Boy ‘yung work. For me showbiz work lang siya. Si Elle talaga ‘yung sanity ko, ayokong haluan siya ng work kasi stressful na nga ‘yung work eh," paliwanag ng aktor.

Idinagdag naman ni Elle, na posibleng mag-expect sa kanila ang mga tao kung lalagyan nila ni Derrick ng label sa publiko kung anuman ang nararamdaman nila para sa isa't isa.

ADVERTISEMENT

Aminado si Derrick na masaya siya ngayon lalo nang dumating sa buhay niya si Elle.

Gayunman, magkaiba ang sagot ng dalawa sa tanong sa Fast Talk segment kung dapat may label ang isang relasyon.

Si Derrick, sumagot ng “no label” sa isang relasyon, pero si Elle naman, gustong may “label.”

Sa pagtatapos ng segment, pinagpaliwanag ang dalawa sa kanilang naging sagot.

“Ano ba kasi ang meaning mo doon?” tanong ni Elle kay Derrick.

“Hindi kailangan ng label, hindi important siya for me,” sagot ni Derrick.

Paliwanag ni Elle, “Sa akin naman kasi Tito Boy, ang label, you need to talk about what your relationship is. Kasi having no label, doon nagli-lead siya to confusion. So most sa mga bata ngayon, napupunta sa no label.”

“Pero lahat naman kasi puwede mong lagyan ng label eh, kung nasa relationship ba kayo, if nag-uusap lang kayo, exclusively dating, or puwede pa kayong mag-date with others. Mas okay na mas alam niyo at mayroon kayong pinag-usapan,” dagdag ng aktres.

May tugon naman dito si Derrick.

“Siyempre gusto ko po malinaw. Pero at the same time, kapag may label kasi, minsan baka ma-pressure ka to magkaroon ng label. Or why would you celebrate a monthsary na ganitong date eh puwede naman ganitong araw monthsary?” anang aktor.

Ipinaliwanag naman ni Elle ang kaniyang sagot na “unconditional” sa kung paano siya magpahayag ng pagmamahal sa isang tao.

“Hindi ko minamahal ‘yung isang tao kasi may ginagawa siya para sa akin. I love because I just love you. There’s no real explanation to it. I don’t expect anything from you. I just love you for who you are,” sabi ni Elle.

“Do you love Elle for who she is?” diretsahang tanong ni Tito Boy kay Derrick.

“Yes,” tugon ng aktor.

--FRJ, GMA Integrated News