Nalagay sa panganib ang buhay ni Ponggay (Ashley Ortega) nang makulong siya sa steam bath room na may nag-lock at inilagay sa napakainit na temperature ang setting nito.

Dahil sa sobrang init, nawalan na nang malay si Ponggay. Mabuti na lang at narinig ni Enzo (Xian Lim) ang paghingi niya ng tulong bago siya tuluyang mawalan ng ulirat kaya siya nasagip.

ADVERTISEMENT

Panoorin ang naturang episode ng sinusubaybayang telebabad series na "Hearts on Ice" ng GMA, at alamin kung bakit ini-lock ni Yvanna (Rita Avila) ang stream bath room habang nasa loob si Ponggay.

--FRJ, GMA Integrated News