Certified "ang haba ng hair" ni Barbie Forteza dahil sa mga panayam kina Jak Roberto, David Licauco, at Joshua Garcia sa nakaraang GMA Gala 2023 nitong Sabado. May nakatutuwang reaksyon naman dito ang aktres.
Kabilang sa mga dumalo sa naturang event ang "Unbreak My Heart" leading man na si Joshua na nagsabing si Barbie ang dapat bigyan ng Best Dressed award.
"Siya yung nasa harapan ko kanina, sabi ko 'ang ganda ng dress nito'," anang aktor. “Hindi siya ganun ka-flashy pero at the same time, nandun yung pagka-elegante nung babae.”
Sa Twitter, nag-post ng pasasalamat si Barbie kay Joshua at sinabing, "Tama ka naman diyan. Hahaha! Salamat! (na may kasama emoji at blue heart)
Tama ka naman diyan. Hahaha! Salamat! ???????? https://t.co/gMNSa1rk9Y
— Barbie Forteza (@dealwithBARBIE) July 24, 2023
Nasa naturang event din si David na natanong kung ano ang paborito nitong Kapuso series, na "Maria Clara at Ibarra" naman ang isinagot.
Nang tanungin tungkol sa kaniyang fondest memories sa show, sinabi niya na lahat ng eksenang kasama niya si Barbie.
Komento naman ni Barbie tungkol dito, "Bat ka napangiti? Ano naalala mong memory? Hahahaha! Can’t wait to do more scenes with Carding!"
Ang "Carding" ang bagong karakter ni David sa upcoming project nila ni Barbie na remake ng "Maging Sino Ka Man."
Bat ka napangiti? Ano naalala mong memory? Hahahaha! Can’t wait to do more scenes with Carding! https://t.co/Wttnm85dc0
— Barbie Forteza (@dealwithBARBIE) July 24, 2023
Hindi rin nawala sa naturang event ang nobyo ni Barbie na Jak, na tinanong kung sino ang gusto niyang makasama sa dinner.
"Barbie Forteza lang, sakalam!," natatawang sagot ng aktor.
Reaksyon naman dito ni Barbie, "6yrs na tayong nagdidinner together! Hahaha! Dessert naman."
6yrs na tayong nagdidinner together! Hahaha! Dessert naman ???? https://t.co/A1sWU3r2EC
— Barbie Forteza (@dealwithBARBIE) July 24, 2023
Dahil sa panayam ng tatlong aktor, sinabi ng may Twitter handle na thealteregooo na, "Sobrang ganda at haba talaga ng buhok ni barbie forteza e. Guuurl, choose your fighter daw @dealwithBARBIE.
Sabi pa niya, "Barbie Forteza's qtrs pleaaasee, its giving main character era. Hahaha ganda mo guuurl" na naka-tag @dealwithBARBIE
Nagkomento naman sa post si Barbie at sinabing "Kaya nababash e. ganda ka teh? (na may wacky emoji)
Kaya nababash e ????
— Barbie Forteza (@dealwithBARBIE) July 24, 2023
ganda ka teh? ????????????
--FRJ, GMA Integrated News

