Hinangaan ng netizens ang vlogger na si Viy Cortez dahil sa kaniyang body transformation.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, makikita ang larawang ibinahagi ni Viy sa kaniyang Facebook na may timbang siya na 94 kilos matapos isilang si Baby Kidlat noong nakaraang taon.

Ngunit ngayon, 60 kilos na lang ang kaniyang timbang.

BASAHIN: 'Plus size'na babae sa Bacolod City, siningil ng doble sa jeepney dahil 2 upuan ang sakop

Inilahad ni Viy ang kaniyang sikreto na no rice diet at pag-iwas sa unhealthy food.

“From 94klo pagkapanganak naging 60klo nako dahil sa pag tanggal ng rice pati pag babawas na din nga mga masasamang pagkain…” saad niya sa post.

“Kaya naman 4 na araw na ko naggi-gym ipagdasal nyo naman ako na matagalan ko to hahahaha” pagpapatuloy pa ni Viy, na sumusubok din ng larong tennis.

Nilinaw niyang hindi siya nagpa-liposuction.

“Ps kahit ano inumin nyo kung walang disiplina sa pagkain wala po mangyayare kailangan nyo po ito samahan ng effort para mas makita nyo ang result. Nagpa lipo ba ako? Hindi pa sa ngayon pag naka tatlo anak nako. Baka dun na," saad niya sa post.

Isinilang ni Viy ang anak nila ni Cong na si Kidlat Hulyo noong nakaraang taon.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News