“Ano na nga ba ang label ng relationship?” tanong ni Boobay kina Michael at Zephanie sa nakaraang episode ng “The Boobay and Tekla Show.”
“Our label is special friends,” tugon ng Kapuso actor.
“How special? Like siopao?” pahabol na tanong ni Boobay.
“‘Yun na nga ang sasabihin ko sana eh,” natatawang sabi ni Zephanie.
Sa panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Abril kay Zephanie, sinabi ng dalaga na matalik na kaibigan niya si Michael.
“Michael Sager po si my best friend. Isa po siyang espesyal na tao sa buhay ko, na masasabi kong maraming na-contribute sa happiness [sa] parts ng life ko," tugon ng singer.
"1-10, halimbawa 10 magkakaroon na kayo ng young love, nasaan si Michael Sager?" tanong pa ni Tito Boy.
“Siguro po mga 5-7. Puwede na rin pong 10," masayang sabi ni Zephanie.
Para kay Zephanie, mahalaga sa kaniya ang pamilya o loved ones, career at kaniyang pananampalataya.
Pero sa tatlong aspeto ng kaniyang buhay, sinabi ni Zephanie na may lugar si Michael sa kaniyang “loved ones” at “career.”-- FRJ, GMA Integrated News
