Magkasamang ipinagdiwang nina Sunshine Cruz at Cesar Montano ang 18th birthday ng anak nilang si Chesda sa Bali, Indonesia.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang mga larawan na kasama ang kanilang blended family at mga kaibigan sa naturang selebrasyon.

Kasama sa mga larawan ang iba pang anak nina Sunshine at Cesar na sina Sam at Angeline. Nag-post din ng larawan si Sunshine na kasama si Cesar at ang partner nito na si Kath Angeles at kanilang anak, at celebrity friends na sina Leon Barretto at Kyle Echarri.

 

 

Sa caption na naka-tag si Chesca, isinulat ni Sunshine na, "Officially 18. We love you!"

Nitong nakaraang September, magkasama rin sina Sunshine at Cesar, at ang kanilang blended family na ipinagdiwang ang kaarawan ni Angelina sa Manila.

Simula nitong nakaraang taon, naging maayos muli ang ugnayan nina Sunshine at Cesar, para sa kanilang mga anak.

Nagpasalamat si Sunshine sa mga sumusuporta at nakauunawa sa setup ng kanilang pamilya ni Cesar.—FRJ, GMA Integrated News