Inanunsyo ni Heart Evangelista na isasagawa nila ni Senator Chiz Escudero ang renewal ng kanilang wedding vows, na kasabay din ng pagdiriwang ng kanilang wedding anniversary at kaniyang kaarawan sa Pebrero 14.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing ipagdiriwang ni Heart ang kaniyang ika-39 kaarawan sa mismong Araw ng mga Puso.
Sa Balesin Island gaganapin ang intimate event kasama ang kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan.
Sa Balesin Island din ginanap ang kanilang kasal noong 2015.
“This time around my heart is definitely complete. I was 30 when I got married. But it’s different now, I know what marriage is now, so it’s very meaningful for me,” sabi ni Heart. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
