Malapit nang mapanood ang pampamilyang GMA series nina Marian Rivera at Gabby Concepcion na “My Guardian Alien.” Bukas rin kaya ng Kapuso actress na makasama sa future projects ang mga anak nila ni Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto?

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing ang “My Guardian Alien” ang unang pagtatambal nina Marian at Gabby na isang family drama series na ipapalabas sa Abril.

Gaganap na anak nina Marian at Gabby sa series si Sparkle child star Raphael Landicho.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Marian, paboritong bonding time ng cast at production crew ng My Guardian Alien ang pagkain at sayawan.

Dagdag ng Kapuso Primetime Queen, extra picky na siya sa pagpili ng projects. Kakaiba ang kaniyang role sa series bilang isang alien.

Tiniyak din ni Marian na makare-relate ang kaniyang mga anak na sina Zia at Sixto sa kaniyang bagong proyekto.

Natanong din si Marian kung bukas siyang makatrabaho sina Zia at Sixto sa future projects.

“Actually, hindi naman sa pinagkakait namin ‘yan sa kanila. Siyempre, nirerespeto din namin ang privacy ng mga bata. But not to the point na tinatago namin. Kung ano man meron kami ipinapakita in social media is katiting lang ‘yun ng totoong nangyayari sa totoong buhay,” ani Marian. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News