Kapansin-pansin pagiging sweet ni Jeff Moses kay Jillian Ward matapos siyang magbigay ng post- Valentine’s Day gift sa kaniyang co-star sa “Abot-Kamay na Pangarap.” Nililigawan nga ba ng aktor ang dalaga?

“Sobrang close po kami,” panimula ni Jeff sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes.

“Wala pa po ako sa ganu’ng mindset. And I know, same with Jill. Pero hinahayaan ko lang,” pagpapatuloy niya.

“Hindi naman natin alam kung anong mangyayari bukas. So kumbaga, chill lang,” saad pa ni Jeff.

Sinundan ni Tito Boy ng tanong si Jeff kung may plano ba siyang ligawan si Jillian.

ADVERTISEMENT

“Ayun nga po, Tito Boy. Hindi ko rin masabi eh. Kasi ngayon talaga, sobrang nagpo-focus ako sa sarili ko. Siyempre nandito ako sa industriya, a very competitive na business. Nagpo-focus ako ngayon sa work, sa career ko. And for sure, si Jill. Sa nakikita ko, ‘yun din ‘yung priority niya. Work, family,” paliwanag ng binata.

“So parang ako... Hindi ko iniisip muna ‘yun,” saad pa ni Jeff.

Ayon kay Jeff, salitan silang magbayad ni Jillian sa tuwing kumakain sila sa mga restaurant.

“Hindi siya ‘yung tipong, ‘Uy, ikaw magbayad.’ Kusa. Minsan, like ‘Ako na ang magbayad,’” pag-alala ni Jeff tungkol kay Jillian.

Katunayan, nag-aaway pa sila kung minsan pagdating sa pagbabayad.

“Nakakatuwa siyang isipin na gano'n pala. Hindi ko ine-expect dati. Kasi ang nasa isip ko lang dati, kapag date, automatic, lalaki ang magbabayad,” sabi ni Jeff.

Kung ira-ranggo niya ang kaniyang mga dream girl, number one para kay Jeff si Jillian, na sinundan nina Kyline Alcantara at Andrea Brillantes.

“Siyempre, nakilala ko na siya (Jillian), Tito Boy, eh. And masasabi ko talaga na isa siya sa mga pinakamabuting taong nakilala ko sa buhay ko.”

“Maligaya po ako ‘pag nasa trabaho. And siyempre, ‘pag magkasama kami sa eksena, off-cam, sobrang saya po,” dagdag pa niya.

Noong Pebrero, niregaluhan ni Jeff si Jillian ng chocolate cake bilang kaniyang post-Valentine’s Day gift sa Star of the New Gen.

Inilahad ni Jillian noon na sobra silang close ni Jeff. --FRJ, GMA Integrated News