Inabot nang magdamag ng kunan ang pinag-usapang kissing scene nina Tony Labrusca at Angel Aquino para sa isang movie na ginawa nila noong 2018.
Sa episode ng "Fast Talk With Boy Abunda" nitong Huwebes, sinabi ni Tony na first onscreen kiss niya bilang aktor si Angel sa naturang pelikula.
Inabot umano ng 10 oras nang kunan ang kanilang kissing scene. Nang araw din lang na iyon nang una niyang makita si Angel.
"We were filming those scenes at 9 p.m. hanggang 7 a.m. kinabukasan," ani Tony. "It was a long night."
"On my end, I didn't know what I was doing. That was my first on screen kiss like that," dagdag ng binata.
Tinanong ni Tito Boy si Tony kung nakaramdam ba sila ng ilangan nang gawin ang naturang eksena. Ayon sa aktor, maiilang lang siya kapag napansin niyang hindi komportable ang kaniyang ka-eksena, bagay na hindi naman niya nakita kay Angel.
"Doon ako saludo kay Angel cause she's a very experienced actress. She knows exactly what she is doing. So it's more na I had to step up to plate 'cause Angel is very professional," paliwanag ni Tony.
"I just had to rise up to the occasion and once you got comfortable with each other that's where all the magic happens," patuloy niya.
Nakatakdang mapanood si Tony sa GMA sa upcoming Kapuso series na "Binibining Marikit," kasama sina Herlene Budol at Pokwang.
Mapapanood ito simula sa February 10 sa GMA Afternoon Prime. —FRJ, GMA Integrated News
