Magkasamang nagpalagay ng tattoo sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo matapos ang kanilang pag-aaway na naging usap-usapan online.

Sa Instagram page ng Island Tattoo Piercing Studio, mapanonood sina Andi at Philmar na nilalagyan ng tattoo, habang naglalaro naman ang kanilang mga anak na sina Lilo at Koa.

"Another tattoo session with the power couple [Andi] & [Philmar]. [W]e couldn’t be more stoked to have them back together with Lilo & Koa," caption ng studio.

Naging usap-usapan sina Andi at Philmar kamakailan matapos nilang i-unfollow ang isa't isa sa Instagram, at nag-post pa ng mga cryptic messages. Ayon sa post ni Andi, hindi niya ikinatuwa na nagpalagay ng couple's tattoo si Philmar kasama ang isang babaeng kaibigan.

Kalaunan, nilinaw ni Andi na hindi tungkol sa cheating ang kaniyang mga post, ngunit inaming nasaktan siya sa love couple tattoo ni Philmar at ng babaeng kaibigan.

Ang surfer naman, sinabing "so be it" sa mga natanggap na puna sa kaniya.

Nag-post si Philmar ng isang clip na kasama si Andi at kanilang mga anak.

“It all went way [too] far and should have been handled in private. Ok na kami sanan ok ra kami,” saad ni Philmar.

Engaged na sina Andi at Philmar mula pa noong 2020.

 



—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News