Inihayag ni Heaven Peralejo na pinayuhan siya ng kaniyang tiyahin na si Rica Peralejo na huwag siyang magpapa-"sexy" sa mga kukuning proyekto.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, sinabi ni Tito Boy kay Heaven na naaalala niya si Rica sa career path na tinatahak ngayon ni Heaven.
Gumawa noon ng mga "sexy" project si Rica, na isang mahusay na aktres.
“Ang sinasabi niya every time nagre-reunion kami, which was, actually recently nagkita lang kami, sabi niya, ‘Naku, huwag kang magse-sexy ha,’” kuwento ni Heaven.
Nang tanungin ni Tito Boy kung bakit ganoon ng payo ng kaniyang Tita Rica.
“Hindi na daw kailangan. ‘Huwag na. Maganda na ‘yung career mo,’ pag-alala pa ng aktres na ipinayo sa kaniya ni Rica.
Sinang-ayunan ito ni Heaven na huwag nang magpa-sexy.
“Sabi ko, ‘Totoo naman, wala naman po. Wala naman akong plano," patuloy ni Heaven.
Tinanong din ni Tito Boy si Heaven kung aware ba siya na sexy ang dating niya.
Napaisip muna si Heaven bago sumagot na, “Yes, yes. And I actually embrace it."
Ayon pa kay Heaven, komportable siya sa kaniyang pagiging "sexy."
“Actually, it makes, it gives me confidence at some point. Na parang sometimes, oh nga naman, why should I be so insecure with small things when I can be so much more. And sexy, parang anong masama sa sexy? It's part of my job too. I got, you know, endorsements because of it,” paliwanag niya.
Para kay Heaven, "advantage” din ang pagiging sexy.
Pinsan ng nanay ni Heaven sinabi Rica at kapatid nito na si Paula.
Sa naturang panayam, sinabi rin ni Heaven na wala siyang pressure na naramdaman pagiging isang Paralejo.
“Sa mga tao naman po, nakakatuwa lang na minsan, ‘Oh, naka-work ko ‘yung tita mo,’ ganon. So parang, ah OK, it’s a good conversation starter na lang,” saad niya. -- FRJ, GMA Integrated News
