Ikinasal na ang 'Twilight' actress na si Kristen Stewart sa writer at aktres din na si Dylan Meyer.

Sa ulat ng TMZ, sinabing nagpakasal ang dalawa sa isang bahay sa Los Angeles, California, na dinaluhan ng kanilang mga mahal sa buhay, kabilang ang "Pretty Little Liars" actress na si Ashley Benson at mister nito na si Brandon Davis.

Ayon pa sa TMZ, nakuha ng dalawa ang kanilang marriage license sa Los Angeles County noong nakaraang linggo.

Naging engaged sina Kristen at Dylan noong 2021, dalawang taon matapos nilang isapubliko ang kanilang relasyon.

Nakilala si Kristen sa kanilang role bilang si Bella Swan sa franchise movie na "Twilight." Habang isang writer si Dylan, at napanood ding gumanap sa Netflix film na "Moxie," at "Miss 2059."— mula sa ulat ni Hermes Joy Tunac/FRJ, GMA Integrated News