Hindi naitago ni Julie Anne San Jose ang kaniyang excitement sa muli niyang pagsabak bilang coach at paghubog ng mga bagong talento sa pagbabalik ng “The Voice Kids.”
“Not sure kung kailan mangyayari 'yung blind auditions but I think very soon since medyo pa-halfway na rin kami sa The Clash Teens. But so far, it's been a busy journey for me ngayon and I'm happy about it,” sabi ni Julie sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado.
Makakasama ni Julie sa revolving chairs ang certified idols sa music industry at matagal na niyang pangarap na makasama sa isang proyekto.
“‘Oh my gosh! Wow!’ Ganu’n 'yung reaction ko. Kasi first time kong I think makakatrabaho 'yung ilan sa kanila. First time kong makakatrabaho sa isang show,” sabi ni Julie.
“Although we've known each other for a long time already since maliit lang naman ang industry kaya nagkikita-kita kami ‘pag events, collaborations but I don't know how they are pagdating sa mentoring or sa agawan ng mga bata or sa revolving chair. So ako, I'm super-duper excited and looking forward for the season,” dagdag niya.
Matatandaang nagpa-auditions na ang talent search noong Hunyo. — Jamil Santos/VBL GMA News
