Dahil sa kanilang pagmamahal sa mga aso, napasali ang dalawang Pilipinong animation student sa 2026 Los Angeles Asian Pacific Film Festival (LAAPFF).

Ayon kina Lysa Catolico at Jazmine Gin Pateña, mga creator ng 2D animated short film na "RUNO!", tila hindi pa rin sila makapaniwala sa kanilang tagumpay.

Ibinahagi ng dalawa ang kuwento sa likod ng pelikula sa pinakabagong episode ng Sparks of Joy ng GMA Pinoy TV.

“Actually, it started with me being a dog lover. I wanted to find a fellow collaborator who also has the same goals and views as me," pagbabahagi ni Catolico.

Si Pateña naman, na naging collaborator ni Catolico, sinabing naging natural na sa kanila na magdesisyong gawing pangunahing karakter sa pelikula ang isang aso.

“Dogs are the epitome of unconditional love, so that’s why we made RUNO as our main character.”

Higit pa sa animation nito, naniniwala ang dalawa na ang mismong kuwento ang magbibigay-antig sa pelikula.

“You can have the most amazing or most beautiful animation, but the story wouldn’t push through,” sabi ni Pateña.

Pag-alala ni Catolico, maraming pagbabago muna ang pinagdaanan ng RUNO! bago ito tuluyang mabuo bilang isang pelikula.

“RUNO started in 2024, I think. It was a really different concept than what we have now.”

Nabuo ang proyekto sa pamamagitan ng pagtutulungan at suporta ng mga tao na naniniwala rito, ayon sa dalawa.

Kaya naman sina Catolico at Pateña, ikinagulat na itatampok ang kanilang pelikula sa LAAPFF.

“I think it’s unbelievable that we got RUNO—or we got into Los Angeles Asian Pacific Film Festival,” sabi ni Catolico.

Sa natatanggap na pagkilala sa RUNO!, nagkaroon pa ng pag-asa sina Catolico at Pateña na gumawa ng mas marami pang proyekto.

“After RUNO, we actually have our own separate films that we want to direct,” sabi ni Catolico.

“We’re going on our own directional debut.”

Dagdag niya, naging daan ang pagdidirek ng RUNO! para siya magbigay ng kuwento na sumasalamin sa pagiging Pilipino.

“I had a lot of fun animating and directing RUNO because it’s really rare to be able to be given this opportunity to even direct your own film," sabi niya, na umaaasang marami pang kuwentong Pinoy ang tatangkilikin maging sa labas ng bansa.

“It would be really nice to have that sort of representation be shown accurately and authentically.”

Samantala, sinabi naman ni Pateña na umaasa siyang makapagbibigay ng inspirasyon ang kanilang tagumpay sa mga naghahangad na maging artist at storyteller.

“It’s all about paying things forward because I know that joy—not only for the Filipino masses all around the world—but also for the students, and for the dreamers, and for the creatives.”

Para sa dalawang batang animator, higit pa ang RUNO! sa isang student project—kundi isang patunay na malayo ang mararating ng mga kuwentong bunga ng silakbo ng damdamin, at mabibigyang pagkilala ng mundo ang pagiging malikhain ng mga Pinoy. — VBL GMA News