Sa Agosto 2 gaganapin ang GMA Gala na pang-apat na taon na ngayong 2025.
Inanunsyo ito ng Sparkle sa isang social media post nitong Lunes. Bagaman wala pang ibang detalye, inaasahan na isa itong big event bilang bahagi ng 75th anniversary ng GMA Network ngayong taon.
Ang star-studded na GMA Gala ay dinadaluhan ng mga Kapuso stars at iba pang showbiz personalities. Suot ang magagadang kasuotan, nagiging gabi ng selebrasyon at pagkakaisa ang naturang pagtitipon.
Ang kita sa naturang event ay mapupunta sa charitable cause. Noong nakaraang taon, ang pondo ay ipinagkaloob sa GMA Kapuso Foundation upang matulungan ang mga biktima ng bagyong Carina.
—FRJ, GMA Integrated News