Isa nang ganap na mommy si Megan Young matapos na maisilang ang first baby nila ng kaniyang mister na si Mikael Daez.

Sa Instagram, nag-post si Mikael ng video compilation ng kanilang pagsasama bago magsilang si Megan. Sa huli ng reel may clip sa bago nilang pamilya na tatlo.

“An explosion of overwhelming emotions. New chapter unlocked,” saad ni Mikael sa caption.

 

 

Taong 2020 nang magpakasal sina Megan at Mikael. Noong nakaraang Disyembre, inihayag nila na magkakaroon sila ng baby boy.

Ibinahagi rin ng mag-asawa ang pregnancy journey ni Megan, at may video pa ng kanilang talakayan sa ibibigay na pangalan sa kanilang anak. — mula sa ulat ni Carby Rose Basina/FRJ, GMA Integrated News