Emosyonal na inilahad ni Ashley Ortega na hindi pa rin niya nakakausap nang personal ang kaniyang ina. Matatandaan na nalaman ang samaan ng loob ng mag-ina habang housemate pa noon ang aktres sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."Nakapanayam ni Aubrey Carampel para sa GMA Integrated News si Ashley, kasama ang ilan pang dating PBB housemates.Sa naturang panayam, tinanong si Ashley tungkol sa estado ng relasyon nilang mag-ina matapos siyang lumabas ng bahay ni "Kuya."“Honestly we’re still working on it, Ms. Aubrey. Sobrang tagal rin kasi ng three years na hindi pag-uusap and malalim rin po talaga ‘yung sugat na nabigay namin sa isa’t-isa,” paliwang ng aktres. “[I’m] always reaching out pero baka need time pa,” dagdag niya.Nang tanungin kung kinausap na ba siya ng kaniyang ina, sinabi ni Ashley na hindi pa.“I tried po talaga, kakalabas ko lang, kasi nakatanggap rin naman po ako ng letter sa kaniya. Also on Mother’s Day, I tried. I messaged her,” sabi ni Ashley.Sa loob ng PBB house, ibinabahagi ni Ashley na tatlong taon na silang hindi nag-uusap ng kaniyang ina, at umaasa siyang mapapatawad siya nito.Bago lumabas mula sa bahay ni Kuya, nakatanggap ng sulat si Ashley mula sa kaniyang ina.Matapos lumabas ng PBB house, ibinahagi ni Ashley na nagtungo siya sa bahay ng kaniyang ina pero walang tao kaya iniwan na lang niya ang dala niyang bulaklak.—FRJ, GMA Integrated News