Ipinagtanggol nina Dustin Yu at Bianca De Vera ang kanilang tandem mula sa duo challengers at sinabing "totoo" ang namamagitan sa kanila sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”
"Hindi ko nakikita 'yung walang growth doon sa lagi kaming magkasama. In fact for us, the more na nagsasama kami, naggo-grow kami together," mensahe ni Dustin sa duo challengers sa Big Tapatan episode nitong Sabado.
"Kung sa inyo masama 'yung pagsasama namin, 'yung relationship na meron kami. Sa amin hindi 'yun masama. Pumasok kami rito na walang ine-expect, lalo na ako. Nangyari na ang nangyari. Nagpakatotoo lang ako," dagdag ni Dustin.
Kinontra ito ni Kira, at sinabing ilang beses nang binanggit ni Dustin ang kaniyang pangalan, habang sinabi ni AC Bonifacio na tinanong ng binata ang bawat babae sa loob ng Bahay ni Kuya kung single ang mga ito.
Pag-amin ni Dustin, "Totoo naman talaga na girlfriend material 'yung physical na hitsura mo, hindi ko ide-deny 'yan."
“So if ‘di ko naging ka-duo si Josh [Ford], what would you do?” pabalik na tanong ni Kira.
“To be honest Kira, hindi kita nakikitang magiging duo ko nung mga araw na ‘yun. Honestly, ‘till lumabas ka, hindi naman talaga tayo naging close so ‘di kita pipiliin,” tugon ni Dustin.
Kalaunan, sinabi ni Dustin na, "Sa lahat ng dito, wala ‘kong idea diyan sa loveteam loveteam na ‘yan."
“So, ano ‘to?” tanong ni Kira, na tinutukoy ang tandem nina Dustin at Bianca.
“Totoo. Totoo ‘to, Kira. Alam mo ‘yan," sagot ni Dustin.
Muling nagtanong si Kira kung bakit pinili ni Dustin si Bianca bilang kaniyang final duo kung hindi naman pala ito tungkol sa loveteam.
“Kasi gusto ko siya. Hindi namin kailangan i-explain kung ano ‘yung meron sa ‘min.”
Gayunman, ipinunto ni Kira na may mga pagkakataong naging toxic umano sina Dustin at Bianca.
"Ang daming selos selos na nangyayari, hindi pa naman kayo. Don’t you get how that’s affecting the other housemates? Ramdam nila ‘yan. Selos selos, ‘di naman kayo,” prangkahang pagtapat sa kanila ni Kira.
"There was a time, aaminin ko, I was scared na baka nga nagiging toxic na, hindi pa man din tayo (kausap si Dustin). Oo there were times na nagselos ako, meron ding times na nagselos siya. Merong times na sobrang babaw ng mga pinag-aawayan namin," pag-amin ni Bianca.
"Yes, may mga tasks na nadala kayong lahat, and for that, we’re really, really sorry, Ate Klang, we’re really, really sorry,” paghingi ni Bianca ng tawad.
“But just like with any type of friendship or relationship, we believe that from those obstacles, we’ve grown. We’ve grown a lot. Seeing us right now alam kong we've come a long way. With the toxic part, I feel like I did, I thought we were. Pero, feeling ko hindi naman pala. I think it was just a vital part of what we had to go through inside our journey in this house, and we're sorry you became part of that journey. Ang liit-liit ng bahay natin,” dagdag ni Bianca. –Jamil Santos/NB, GMA Integrated News