Idinaan ni Alden Richards sa social media ang panawagan niya sa Cathay Pacific dahil sa napinsalang frame o katawan ng kaniyang bisikleta habang pabalik siya sa Pilipinas.

"Shoutout to [Cathay Pacific] for fracturing my bike frame and unloading my bike box and bike rack on my way home to the Philippines," saad ni Alden sa Instagram post na makikita ang larawan ng napinsalang frame ng kaniyang bisekleta.

"This is very upsetting!" dagdag niya.

Ang cycling ang isa sa mga gustong gawin ngayon ni Alden.

Ayon sa isang kinatawan mula sa Cathay Pacific, batid na ng airline ang naturang post ni Alden, at nagsasagawa na sila ng imbestigasyon.

 

 

Naghihitay pa ang GMA News Online ng opisyal na pahayag ng Cathay tungkol sa post ni Alden.

Kasama si Alden bilang host sa Kapuso dance contest ba na "Stars on the Floor." May upcoming movie din siya na "Out of Order," na siya ang nagdirek. — mula sa ulat ni Hermes Joy Tunac/FRJ, GMA Integrated News