Sina Charlie Fleming at Esnyr ang unang duo na nakapasok sa Big Four ng "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."
Sa episode ng reality series nitong Lunes, ipinakita ang resulta ng botohan ng mga natitirang duos at mga house challengers kung sino ang sa tingin nila ang dapat makasama sa Big Four.
Nakakuha ang tambalan nina Fleming at Esnyr ng pinakamaraming boto na 11 mula sa 15 kabuuang boto.
Habang tig-dalawang boto naman ang nakuha ng tambalan nina AZ Martinez at River Joseph, at Ralph De Leon at Will Ashley.
May dalawa pang duo ang walang nakuhang boto.
Inanunsyo rin ni "Kuya," na ang natitirang tatlong spots ay makukuha sa tinawag niyang Big Jump challenges.
Napapanood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network mula Lunes hanggang Sabado sa ganap na 9:35 p.m. —FRJ, GMA Integrated News