Inilahad ni Dustin Yu na nangako siya kay Bianca de Vera na nariyan siya para sa dalaga "through thick and thin" ng buhay.

Sa ulat ni Athena Imperial sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing giving "DustBia" ayuda sina Dustin at Bianca na dumalo sa kanilang fan meet.

"I made a promise to Bianca na through thick [and] thin, I'll be there for her," sabi ni Dustin.

May pangako rin si Bianca para kay Dustin.

"Ako rin naman, I made a promise to him. Sabi ko sa kaniya, outside kung kakailanganin ipaglaban ko siya sa buong mundo gagawin ko, as duos," anang Kapamilya actress.

Sa kanilang fan meet, hinarana rin ni Dustin si Bianca na lalong nagpakilig sa kanilang shippers.

Hindi napigilan nina Bianca at Dustin na ilang beses maging emosyonal habang pinapanood ang kanilang pinagdaanan sa Bahay ni Kuya.

Naging emosyonal din si Bianca matapos mag-donate ang kanilang official fan group para sa Animal Kingdom Foundation.

Napaalis sina Dustin at Bianca sa Bahay ni Kuya matapos matalo sa duo nina Brent Manalo and Mika Salamanca (BreKa) sa Big Jump Challenge.

Sina Brent at Mika ang huling bumuo sa Big 4, at sila rin ang Big Winner ng  “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.’’ —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News