Ipinarating ng ilang Sparkle housemates ang kanilang tulong para sa mga kababayang nasalanta ng mga nagdaang bagyo at masamang panahon.

Nagpadala si Ashley Ortega at kaniyang fans ng relief goods sa mga binaha na nanggaling sa kanilang donation drive.

Naghatid din ng tulong si Dustin Yu, kasama si Bianca De Vera sa mga taga-Quezon City.

Namahagi naman ng relief goods si AZ Martinez sa Rodriguez, Rizal.

Nag-volunteer naman sina Mika Salamanca at Will Ashley sa soup kitchen para sa mga nasalanta ng bagyo at Habagat.

Isa ring donation drive ang inilunsad ni Mika para sa mga apektado ng mga pagbaha. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News