Magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon sina Jillian Ward at David Licauco para sa upcoming action-drama series na "Never Say Die!"

Ibinahagi ng Kapuso PR Girl at Sparkle GMA Artist ang ilang video kung saan kasama rin sa stellar cast sina Kim Ji Soo, Richard Yap, Angelu De Leon, Raymart Santiago, Wendell Ramos, Ayen Munji-Laurel, Raheel Bhyria, Analyn Barro, at iba pa.

Sa ulat naman ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing ibinahagi nina Jillian at David ang isinasagawa na nilang preparasyon sa action series.

“Dito po talaga action po talaga siya. Nakapag-train na po ako. First day ko two days ako. Ang dami po nilang itinuro sa akin, kung paano humawak ng baril properly, paano po ‘yung footworks kapag may fight scenes,” sabi ni Jillian.

“Right after GMA Gala, the following day meron akong training ng arnis. ‘Yun ‘yung una kong gagawin. Pero ‘yung mga self-train na ginagawa ko, siyempre ‘yung pag-gym, isa na ‘yon, pangalawa ‘yung nagbo-boxing ako ulit. I have been training for this,” sabi ni David.

Bago nito, bumida na si Jillian sa "My Ilonggo Girl" at nag-guest din sa "Mga Batang Riles," habang bumida naman si David sa "Pulang Araw" at naging guest din sa "Beauty Empire." —Jamil Santos/AOL GMA Integrated News