Sa pagdiriwang ng makasaysayang ika-75 anibersaryo ngayong taon, inilunsad ng GMA Network ang station ID na may temang "Forever One with the Filipino," na taus-pusong nagpapasalamat sa walang sawang pagsuporta at pagtitiwala ng mga Kapuso.
Muling nagsama-sama ang mga pinakamalalaki at pinakakilalang Kapuso stars at personalities sa GMA station ID na lahat ay nagkakaisa sa isang taos-pusong mensahe na: "Mga Kapuso, maraming salamat."
"Mga Kapuso, maraming salamat sa inyong pagmamahal, sa inyong walang sawang pagsuporta, sa pagtitiwalang patuloy n’yong ibinibigay, sa inyong matatamis na ngiti, sa mahigpit n’yong yakap na damang-dama naming lahat, at sa inyong pagtanggap sa amin sa inyong puso at tahanan.” Panoorin.
Mapapanood ang GMA Network’s 75th Anniversary station ID sa official YouTube channel @gmanetwork at Facebook page, o bisitahin ang www.GMANetwork.com. – FRJ GMA Integrated News
