Ibinahagi ni Lovi Poe sa kaniyang followers sa Instagram na ipinagbubuntis niya ang panganay nilang anak ni Montgomery Blencowe.

Sa collaborative post nila ng Bench sa Instagram, makikita ang baby bump ng aktres.

"Love your body," saad sa naturang post.

Dinagsa naman ng pagbati sina Lovi at Monty mula sa kanilang mga celebrity friends kabilang sina Solenn Heussaff, Carla Abellana, Zeinab Harake, Kate Valdez, Samantha Bernardo, Janine Gutierrez, at marami pang iba.

Si Ben Alvez, inihayag na, "so happy for you and Monty Blencowe."

Saad naman ni Kris Bernal, "I had a feeling!! I could already tell from your posts!! I'm so happy for you."

Una rito, naglabas ang apparel brand ng isang teaser tungkol sa pregnancy shoot, at sinabing "loving your body means honoring every chapter it writes. This one is a story of change, beauty, and the most intimate kind of love."

Taong 2021 nang maging engaged sina Lovi at English film producer na si Montgomery. Dalawang taon matapos nito noong 2023, nagpakasal ang dalawa sa Cliveden House sa UK.— FRJ GMA Integrated News