Nag-anunsyo ang ilang airline ng pagkansela ng mga flight dahil sa sitwasyon ng seguridad sa ilang bahagi ng Gitnang Silangan dahil sa nagaganap na kaguluhan doon.

Nagkansela ang Cebu Pacific (CEB) ng mga sumusunod na flight:

March 4 2026:

    5J 14/15: Manila – Dubai – Manila

    5J 18/19: Manila – Dubai – Manila

    5J 740: Manila – Riyadh

March 5 2026:

    5J 14/15: Manila – Dubai – Manila

    5J 741: Riyadh – Manila

"The safety and well-being of our passengers, crew, and ground team remain our highest priority. We continue to closely monitor developments and assess flight operations in the region," saad ng CEB sa isang pahayag.

Nagbibigay din ang airline ng mga flexible options, tulad ng libreng rebooking at pag-convert sa Travel Fund, para sa mga pasaherong nais ipagpaliban ang kanilang mga flight papunta at mula sa mga sumusunod na destinasyon:

    Dubai: March 1-8

    Riyadh: March 1-9

Maaaring i-avail ng mga pasahero ng Cebu Pacific ang naturang mga mungkahi sa pamamagitan ng Manage Booking portal sa website ng kumpanya (https://www.cebupacificair.com/manage-booking) ng hanggang dalawang (2) oras bago ang nakatakdang oras ng kanilang pag-alis.

I-refresh ang page para sa update. — FRJ GMA Integrated News