Nagbigay ng ilang detalye si Carla Abellana tungkol sa “mystery guy” na kaniyang dine-date ngayon, na matagal na raw niyang kakilala at hindi isang foreigner.

Sa pagsalang niya sa Fast Talk segment ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, sumagot si Carla na ide-date niya ang isang non-showbiz kaysa taga-showbiz; mas pipiliin si “Mystery Man” kaysa kay Superman; pogi kaysa mayaman; at AFAM kaysa Pinoy.

Dagdag ni Carla, huli siyang nakipag-date noong nakaraang buwan.

“It was a date. I've been actually seeing him… Nakita niyo naman, nakakadalawang post na po ako, ‘di ba? Parang may pagka-soft launch po.”

Matagal niya na raw niyang kakilala ang lalaki.

“Pero matagal ko na po ‘yan siyang kilala. So, na-mention ko naman po that I've been open to dating and I have been dating. So, ini-enjoy ko lang siya dito po.”

Mula sa dati niyang pananaw na ayaw na niyang ikasal, sinabi niyang muli siyang bukas dito.

https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/chikamuna/861071/carla-abellana-hindi-na-muling-magpapakasal/story/

“Ayoko na pong maging close ‘yung aking pag-iisip na gano'n. Of course, I want to be open naman po into, you know, open to enjoying myself and falling in love or being in a relationship,” ani Carla.

“Whatever is meant for you will come to you and huwag masyado pong isipin or mag-worry about the future. It takes time pero just keep going,” dagdag niya.

Paglilinaw ng Kapuso actress, hindi AFAM ang dine-date niya ngayon.

“Napaka-random lang po talaga ng Fast Talk na ‘yan, ‘AFAM.’ Hindi po siya AFAM,” sabi ni Carla.

Inihayag niya rin na naghilom na ang sugat sa kaniyang puso matapos ang hiwalayan nila ni Tom Rodriguez.

“I wouldn't say naman po na it was just time that healed me. Madami pong effort. Madaming trabaho para mag-heal.”

Napatawad na rin daw niya si Tom. Ngunit nang tanungin kung maaari silang maging magkaibigan, sagot ni Carla, “Not at the moment. Not now.”

Kinupirma ni Carla sa GMA Gala na nakikipag-date siya ngayon.

"I've said it naman na before. It's about time na I open myself to dating, meeting new people. So I decided to try it," sabi niya.

"There's a second date. We'll see if there's gonna be more dates," dagdag ni Carla.

Bago nito, nag-post si Carla kung saan nasa isang candlelit dinner siya kasama ang isang hindi ipinakitang tao na hawak-hawak ang menu.
 

 

-- FRJ GMA Integrated News