Sinabi ni Derek Ramsay na walang katotohanan ang nakasaad sa isang post na hiwalay na sila ng kaniyang asawa na si Ellen Adarna.

Sa Instagram Stories, sinagot ng aktor ang usap-usapan na hiwalay na sila ni Ellen dahil na rin sa isang post ng content creator na si Xian Gaza.

"There's this issue with Mr. Xian Gaza. I'll just keep it very simple. There's no truth to anything that was said. That's it," ani Derek.

Nitong nakaraang Agosto, pinuna ni Derek ang kumalat na fake news sa social media tungkol sa anak nila ni Ellen.

"Stop spreading lies about my family! Lily is my daughter, and Ellen is a loyal wife!" giit ni Derek. "I don't know how you can sleep at night spreading lies like this!"

Taong 2021 nang ikasal sina Derek at Ellen, at isinilang si Liana noong 2024.

May isang anak din si Derek sa kaniyang ex-wife na si Mary Christine Jolly, habang may anak naman si Ellen sa dati niyang karelasyon na si John Lloyd Cruz. — mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ GMA Integrated News