Inanunsiyo na kung sino ang mga bibida sa upcoming movie na “Kapuso Mo Jessica Soho’s (KMJS): Gabi ng Lagim,” na ipapalabas sa mga sinehan.

Sa Instagram post ng GMA Pictures, inihayag na magiging bahagi ng naturang pelikula ang award-winning journalist Jessica Soho, Sparkle talents na sina Jillian Ward, Sanya Lopez, Miguel Tanfelix, at Kapamilya actor na si Elijah Canlas.

“Mapapanood sa sinehan ang aming team!” saad sa caption sa post.

"The cast of KMJS’ Gabi ng Lagim: The Movie is here to haunt the big screen! Inspired by true events," saad pa sa isang post.

Ang “Gabi ng Lagim” ay taunang Halloween special ng "Kapuso Mo, Jessica Soho." Ika-13 taong anibersaryo nito ngayong Nobyembre kung saan itinatampok ang mga real-life horror story.

Noong nakaraang taon, hinikayat ang mga manonood na magpadala ng kanilang true-to-life horror stories na maaaring isama sa naturang pelikula. — mula sa ulat ni Jade Veronique /FRJ GMA Integrated News