Kabilang OPM icon na si Ogie Alcasid sa mga nagluluksa sa maagang pagpanaw ng mang-aawit na si Davey Langit.

Sa Instagram, nag-post si Ogie ng video ng kaniyang “inaanak” na si Davey, habang masayang sumasayaw at tuwang-tuwa sa natanggap na regalong Oklahoma City Thunder jersey mula sa kaniya.

“Hindi pa rin ako makapaniwala,” saad ni Ogie sa caption.

“Marami kami na nagmamahal sa ‘yo at humahanga sa galing mo sa pag sulat at pag awit. Higit sa lahat sa napakabuti mong puso” dagdag ng veteran singer.

Ibinahagi rin ng “It’s Showtime” host na nagkausap pa sila ni Davey sa pamamagitan ng text ilang linggo bago nangyari ang malungkot na balita.

“Nakakalungkot at nakakabigla,” pahayag pa ni Ogie.

Nagpaabot si Ogie ang kaniyang lubos na pakikiramay sa asawa ni Davey na si Therese at sa mga naulila nito

“Rest in peace inaanak. Sing with the angels,” saad pa ni Ogie.

 

 

Si Davey ang umawit sa “Selfie Song,” “Wedding Song,” at “Idjay.”

Hindi pa inihahayag ang sanhi ng pagkamatay ni Davey ngunit sa mga naunang post, lumalabas na nagkaroon siya ng pambihirang impeksiyon sa gulugod na tinatawag na spondylodiscitis sa bahagi ng thoracic 8 vertebrae, na na-diagnose noong lang nakaraang Agosto. — mula sa ulat ni Nika Roque/FRJ GMA Integrated News