Engaged na ang Kapuso star na si Thea Tolentino sa kaniyag non-showbiz boyfriend Martin San Miguel. Habang si Carla Abella naman, nag-post ng larawan na makikita ang singsing at may kahawak-kamay kaya napatanong ang netizens kung engaged na rin kaya siya?
Sa Instagram, ibinahagi ni Thea ang ilang larawan sa nangyaring proposal ni Martin na naganap noong November 25 sa ibang bansa.
"It's sinking in for real now. Hello my fiancé," saad ng aktres nan aka-tag si Martin sa caption.
Binati naman ng mga kapuwa celebrities si Thea gaya nina Kaloy Tingcungco, Myrtle Sarrosa, Herlene Budol at iba pa.
Samantala, nag-post naman si Carla ng larawan na makikita ang singsing sa kaliwa niyang kamay at may kahawak-kamay.
"For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you a hope and a future," saad niya sa caption.
Bagaman walang ibang detalye na ibinahagi si Carla, dinagsa naman siya ng pagbati mula sa kaniyang followers at mga kaibigang celebrities.
"In His perfect time," saad ni Mav Gonzales sa comment section.
"Aysus! Ang ganda ganda ng kwento na ito Congratulations guys. [Carla] & your forever partner!" ayon kay Chynna Ortaleza.
Nitong nakaraang Agosto, sinabi ni Carla sa "Fast Talk With Boy Abunda" na muli na siyang lumalabas at napag-usapan ang tungkol sa kaniyang mystery date.
May nilinaw din siya sa isang panayam noong Oktubre tungkol sa usap-usapan na ikakasal na siya.
"Kung totoo man po 'yun o hindi, of course, that's part of my private life, I would like to keep it private. I invoke my right to self-incrimination, so I refuse to say yes, I refuse to say no," ani Carla.
Ikinasal si Carla sa aktor na si Tom Rodriguez noong 2021 pero hindi nagtagal ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa at naghiwalay noong 2022. —FRJ GMA Integrated News
