Inihayag ni Tom Rodriguez na ikinasal na siya sa kaniyang kasalukyang partner. Ang aktor, may mensahe sa dating asawa na si Carla Abellana.
Sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing ito ang inamin ni Tom nang tanungin sa media conference ng kaniyang upcoming Metro Manila Film Fest movie.
“Married na kayo ‘di ba?” tanong ng isang reporter.
Tumango lamang si Tom, at hindi na nagbigay ng karagdagang detalye.
Nauna na niyang ipinakilala ang kaniyang anak na si Korben, at ang kaniyang partner na nananatiling anonymous.
Para kay Tom, closed chapter na sila ni Carla, at nagpaabot ng mensahe sa kaniyang ex-wife, na engaged na ngayon.
“I wish them well. I'm glad to know everyone is moving on. We all deserve it,” sabi niya.
Ikinasal sina Carla at Tom noong 2021, ngunit naghiwalay noong 2022.
Noong Nobyembre 2024, inanunsyo ni Tom na isa na ama na siya sa kaniyang anak na si Korben.
Noong Hunyo, ibinahagi niya ang mga larawan ng kaniyang pamilya. — Jamil Santos/VBL GMA Integrated News
