Magbabalik si Rachelle Ann Go sa kaniyang pagtatanghal bilang si Fantine sa Les Misérables sa Manila.
“It’s always a dream come true to perform for the Filipino people,” sabi ni Rachelle sa isang press conference nitong Miyerkoles.
"This is where I started,” saad pa niya.
Ngayon na bahagi siya ng "Les Misérables World Tour Spectacular in Manila," na gaganapin sa Solaire Theatre, inilarawan ni Rachelle ang kaniyang pagtatanghal na mas mabigat sa emosyon kumpara sa nakaraang niyang pagtatanghal. Ngunit hindi raw ito dahil sa pressure, kundi dahil sa kilala siya ng mga Pinoy.
“Every single night, I feel like I want to cry,” sabi niya. “Seeing the faces of the Filipino people cheering for me. And I will always come back. It's just different. It's just, I feel very emotional every single night."
Bukod kay Rachelle, kasama sa Pinoy performers sina Lea Salonga, na itinuturing ni Rachelle na kaniyang idolo.
“There’s a Pinoy on stage. And now, it’s not just me,” saad niya. “It’s amazing to be able to share the stage with my idols and to sing for our countrymen.”
Emosyonal pa si Rachelle, na inalala ang mga panahong tila hindi pa ito nakalaan sa kaniya. Sa unang taon niya sa "Les Misérables" sa West End, kamuntikan pa siyang umayaw.
“I was crying before the show. I was asking God, is this for me? Because I feel like I do not fit in,” pagbahagi niya.
Isang gabi, sinabi ng aktres na dumating ang pagdududa sa kaniya sa takot na magkamali siya sa stage. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, isang kapwa cast member ang nagpatatag sa kaniya.
Magmula ng sandaling iyon, itinigil na ni Rachelle na ibase ang kaniyang sarili sa magiging reaksyon ng mga manonood.
“I realized I’m not performing for the people here,” sabi niya. “I have a purpose why I’m here on stage.”
Dahil dito, tuloy-tuloy na si Rachelle sa show, at pati na rin sa industriya para masaksihan niya ang mga pagbabago.
Ngayong tinitingnan niya ang kasalukuyang cast, nakikita ni Rachelle na mapupunan pa ang mga role ng Asian performers, na tila hindi nangyayari dati.
“Now I’m still here, and seeing a lot of Asians in the cast, it’s like, wow, we made it,” pahayag niya.
Para sa kaniya, ang kaniyang pagbabalik ay hindi na tungkol sa balidasyon, kundi pagtatanghal sa isang entablado na sumasalamin sa higit sa isang kuwento, higit pa sa isang mukha, at higit sa isang uri ng pagkakabilang.
Kasama nina Rachelle at Lea sa "Les Misérables: The World Tour Spectacular" sina Emily Bautista at Red Concepcion.
Kasama si Cameron Mackintosh, sa pakikipagtulungan na rin sa Nick Grace Management at GMG Productions, tatakbo ang Manila staging mula Marso 1, 2026 sa Solaire Theatre, kung saan nagsisimula ang presyo ng mga ticket ng P1,750. – Sherylin Untalan/Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News

