Ibinenta ng dating Japanese adult film star na si Maria Ozawa ang kaniyang “lucky charm” pink panty kay Boss Toyo.

Sa isang episode ng “Pinoy Pawnstars” sa YouTube channel ni Boss Toyo, sinabi ni Maria na lucky charm niya ang ibebenta niyang panty, na isinusuot niya sa mga special event, kabilang ang unang big event niya sa Pilipinas.

“I was wearing this for a long time, smells like me also,” saad ni Maria tungkol sa bright pink seamless panty.

“You know, you’re a legend here,” sabi naman ni Boss Toyo kay Maria. “When they say Japanese, you’re the number one big thing here in the Philippines and I’m not joking. That’s the real story of the legendary Maria Ozawa.”

Unang nagbigay ng presyo si Maria ng P150,000 sa kaniyang panty. Pero hirit ni Boss Toyo, P10,000 lang ang presyo ng panty.

Ibinaba na ni Maria ang hinihingi niyang presyo sa P50,000, hanggang sa magkaroon pa ng tawaran at magtapos sa halagang P25,000.

Pinirmahan din ni Maria ang panty na naisip daw niyang ibenta nang malaman na nagbenta rin ng panty kay Boss Toyo ang Russian adult film star na Eva Alfie.

Binili ni Boss Toyo ang panty ni Eva sa halagang $300 mula sa $500 na hininging presyo ni Eva.

Matapos tumigil sa paggawa ng adult films, naging seryosong aktres si Maria, at napanood pa sa dating Kapuso series na “Pulang Araw,” at gumanap na in ani Hiroshi, ang karakter ni David Licauco.— Nika Roque/FRJ GMA Integrated News