Nagtapos na sa kaniyang pag-aaral si Chloe San Jose, nobya ng Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, mula sa Korea University.
Sa kaniyang Instagram, nagbahagi si Chloe ng ilang larawan niya na nakasuot ng kaniyang graduation gown nang magtapos sa isa sa top universities sa Korea.
Caption ni Chloe: “First beautiful plot twist of 2026: lived in Seoul as an international student and attended one of the top universities in Korea.”
“Literally a real life k-drama ending to the first chapter of the year,” dagdag pa niya.
Bago nito, nanirahan at nag-aral muna siya sa Australia.
Magkarelasyon sina Carlos at Chloe mula pa noong 2020. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News

