In-unfollow nina Mark Herras at Nicole Donesa ang isa’t isa sa Instagram.

Ito ang napansin ng mapagmatiyag na netizens, kaya umugong ang ilang usapin na hiwalay na umano ang dalawa.

Kasabay nito, nag-post din si Mark ng isang video na emosyonal, kaya nagpahayag ng pag-aalala ang kaniyang mga kaibigan sa showbiz at fans sa comments section.

“Kulong sa Sistema,” caption ni Mark.

“One day at a time brother. Ikaw una produkto ng starstruck, wag kalimutan, dream, believe, survive. Tawag ka lang sakin kung kailangan mo ng kausap,” komento ni Rocco Nacino.

“Mark, marami kami nagmamahal sayo,” sabi naman ni Sheena Halili.

“Praying for you Mark. In your darkest moments, His power is made perfect in our weakness,” sabi ni Camille Prats, na sinamahan ang kaniyang komento ng bible verse na Jeremiah 29:11.

Komento naman ni Rochelle Pangilinan, “Lab ka namin Herras,” habang si Rodjun Cruz, sinabing “Labyu my brother Mark! akap! God loves you!”

Ikinasal sina Mark at Nicole noong 2021. May dalawa silang anak, na sina Corky at baby Mija. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News