Matapos ang ilang linggong espekulasyon, kinumpirma na nina Kate Valdez at Fumiya Sankai ang kanilang paghihiwalay bilang magkasintahan.
“Following considerable thought, we have mutually decided to go our separate ways,” saad sa joint statement ng dalawa sa kani-kanilang Instagram stories. Dagdag nila, ginawa nila ang desisyon “with respect, understanding, and care for one another.”
“We believe that this step is necessary for our personal growth, as we each need time and space to focus on healing and self-development,” sabi pa ng dalawa.
Kinilala rin ng dating magkasintahan ang “love, support, and kindness” na kanilang natanggap mula sa fans at tagasuporta sa panahon ng kanilang relasyon.
“Your encouragement has meant so much to us, and we will always carry it with us,” anang dalawa.
“There is no bitterness between us, only gratitude for what we shared and hope for what lies ahead,” dagdag pa nila.
Hiniling nina Kate at Fumiya sa publiko na huwag magpadala ng mga masasakit na salita at sa halip ay piliin ang “empathy, respect, and compassion for all involved.”
Nitong nakaraang Enero, napansin ng netizens ang pag-unfollow ni Kate sa Instagram ni Fumiya, at inalis na rin ang mga larawan nilang dalawa.
Sa panahong iyon, nanatili namang follower ni Kate ang Japanese vlogger.
Agosto 2024 nang umugong ang magandang pagtitinginan ng dalawa nang magkasama silang namasyal sa Hong Kong Disneyland, sa kaarawan ng aktres.
Mula noon, nagkaroon pa sila ng mga biyahe sa Japan at Taiwan, at nagkaroon ng joint TikTok account na Onirigi Lovers, na nawala nang umugong ang bali-balita ng kanilang paghihiwalay.— Hermes Joy Tunac/FRJ GMA integrated News

