Kinumpirma ni Ashley Sarmiento na nililigawan siya ni Rave Victoria.
Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes, pinakumpirma ni Tito Boy sa Sparkle star kung nanliligaw na sa kaniya ang Kapamilya actor.
"Opo, nag-start na po siya manligaw," sabi ni Ashley.
Ayon kay Ashley, binisita na ni Rave ang kaniyang bahay at dumalo na ng church service kasama siya at kaniyang pamilya.
"Isang beses pa lang po siya pumunta po sa house pero one time po nag-church po kami tapos in-invite po kami ng ate ko po sa house niya po para mag bonding po," pagbabahagi niya.
Samantala, inilarawan niya ang kaniyang kapwa Sparkle actor at "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0" housemate na si Marco Masa bilang kaniyang "super duper best friend."
Sinabi pa niya na walang selosan sa pagitan niya at ni Marco.
Samantala sa kaniyang panayam sa GMA News Online nitong Biyernes, sinabi ni Ashley na mas lumalim pa ang samahan nila ni Rave.
“Madalas na kami magkasama ngayon. Ako po masasabi ko po na kung paano ko po siya nakilala noon ganoon ko po ulit siya nakilala ngayon here in the outside world,” pagbabahagi niya.
Ang tambalang Ashley at Rave, na binansagang “AshRave,” ang isa sa mga pinakasikat na loveteam na nabuo sa Bahay ni Kuya noong kanilang season.
Na-evict si Rave kasama si Sparkle star Anton Vinzon sa "PBB" noong Enero, habang naging 3rd Big Placer naman si Ashley kasama si Joaquin Arce. —Jamil Santos/Cody Cepeda/VBL GMA Integrated News

